Friday, September 7, 2018

Paracetamol Syrup VS Paracetamol Suspension: Sino ang mas Effective?


Ang paracetamol ay isang antipyretic o gamot sa lagnat. Ito rin ay kilala bilang acetaminophen. Ilan sa mga popular na brand nito na pambata ay ang Anaseran, Biogesic, Tempra, Naprex at Calpol. Kung sa pang-baby na preparation ay available ito bilang oral drops, karaniwang suspension o syrup ang isang paracetamol para sa mga batang edad isa hanggang  labindalawa.
Ano  ang pagkakaiba ng syrup at suspension?
Pareho silang liquid dosage form.
Ang syrup ay isang liquid dosage form na kung saan ay nakahalo  na nang mabuti ang active ingredient sa solvent nito. Hindi na ito kailangang i-shake.
Ang suspension ay isang liquid preparation na hindi pantay ang distribution ng drug particles. Karaniwang naka-settle sa ilalim ng bote ang active constituent kaya kailangan pang i-shake ang container ng gamot bago ipainom.
Ano ang mas epektibo para sa lagnat? Paracetamol suspension ba? O, paracetamol syrup?
Parehong epektibo ang paracetamol syrup at paracetamol suspension. Ito ay nasa paraan ng pagpapainom.
Tama ba ang dosis na ipinaiinom n’yo sa anak n’yo? Tama ba sa edad? O sa bigat?
Sakto bang ipinagte-take nyo ng gamot sa lagnat ang anak nyo ng kada apat na oras hanggang sa mawala ang lagnat niya?
I-check ang label o kahon ng gamot. Alamin kung suspension ba ito o syrup. Kung suspension ito, mahalagang tandaan  na  dapat na i-shake muna ang bote ng gamot bago ipainom. May mga oral drops din na suspension, importanteng i-shake din ito bago ipainom.
Pwede ring makaapekto ang lasa ng gamot sa bisa nito. Karaniwang masarap ang mga paracetamol suspension. Ang malalapot na syrup ay masarap din dahil sa mataas na content ng sucrose o asukal nito. Hangga’t maari ay pumili ng lasa ng paracetamol na kayang tanggapin ng panlasa ng  batang nilalagnat. May mga batang nakakaya ang mapait na lasa ng gamot pero kung tipong isinusuka na, balewala rin ang pagpapainom. Dapat na mas relax o komportable ang bata para mas mabilis ang paggaling.
Ilan pang mahahalagang paaalala para sa lagnat
Ang lagnat ay ang pagtaas ng body temperature ng katawan na sanhi ng impeksyon, gamot (Vaccine), pagngingipin, sipon, medication side effect etc.  
Isa itong immune response o isang senyales na nilalabanan nito ang foreign invader ng katawan. Halimbawa ay ang mga virus, fungus o bacteria. Etong mga invaders na ito ay nagpo-produce ng pyrogens at ang mga sangkap na ito ang nagti-trigger sa utak natin na itaas ang temperature ng katawan para labanan ang mga pyrogen producing na substances na ito.
Kaya sa label o kahon ng paracetamol na karaniwang gamot sa lagnat ay mapapansin ang indikasyon na anti-pyretic, meaning anti-pyrogens.
Paalaala
Tandaan na ang normal na body temperature ng katawan ay 37 degrees Celsius. Masasabing lagnat na kung naging 38 degrees Celsius ang body temperature. Para sa mga baby na under 3 months ay mahalagang kumunsulta na kaagad sa doctor kung umabot sa 38 degrees ang temperature ng katawan.
Para sa mga matatanda o batang mahigit tatlong buwan pataas ay dapat ikunsulta ang lagnat sa doctor kung matapos ang isa o dalawang araw ay pabalikbalik pa rin ang lagnat kahit umiinom  na ng paracetamol.

Special thanks to Save Health and Meds Pharmacy!


  Stay healthy and stay safe!

No comments:

Post a Comment