Ang calcium carbonate at calcium lactate ay parehong supplement para sa matibay
na buto at ngipin. Nakatutulong ito para maiwasan ang osteoporosis o ang
pagkalutong ng buto. Bukod dito, maganda ang mga calcium supplement para
malusog na puso, muscle at nervous system. At huli, parehong ginagamit bilang
antacid ang calcium carbonate at calcium lactate.
Calcium Carbonate VS
Calcium Lactate
Ang calcium carbonate ay mas mataas ang calcium content sa calcium
lactate. Habang may 40% na elemental calcium ang carbonate, ang lactate ay may
13% lang.
Kumpara sa carbonate mas soluble ang calcium na may lactate salt lalo na
sa mga taong mataas ang PH level. Pwede itong inumin pagkatapos kumain. Ang
calcium carbonate ay dapat na may kasabay na pagkain para mas madaling
ma-absorb ng katawan. Mas nakapagdudulot din ng constipation o pagtitibi ang calcium
carbonate.
Summing it up
- Mas mataas ang calcium content ng carbonate sa lactate.
- Mas soluble ang lactate kumpara sa carbonate kaya mas mainam ito para sa mga mas matatandang hindi na masyadong nakapagpo-produce ng mataas na acid sa katawan.
- Mas pwedeng makapagpa-tibi ang carbonate.
Pwede bang i-substitute
ang calcium carbonate sa calcium lactate o vice versa?
Kung may reseta galing sa doctor dapat na ito ay sundin. Pero bilang mga
OTC medicine na pwedeng mabili sa botika ng walang reseta, sumangguni sa mga
pharmacy staff o sa pharmacist sa kung anong calcium supplement ang nababagay
sa inyo.
Stay healthy and stay safe!
Sources:
No comments:
Post a Comment