Ang calcium carbonate at calcium lactate ay parehong supplement para sa matibay
na buto at ngipin. Nakatutulong ito para maiwasan ang osteoporosis o ang
pagkalutong ng buto. Bukod dito, maganda ang mga calcium supplement para
malusog na puso, muscle at nervous system. At huli, parehong ginagamit bilang
antacid ang calcium carbonate at calcium lactate.
Calcium Carbonate VS
Calcium Lactate
Ang calcium carbonate ay mas mataas ang calcium content sa calcium
lactate. Habang may 40% na elemental calcium ang carbonate, ang lactate ay may
13% lang.
Kumpara sa carbonate mas soluble ang calcium na may lactate salt lalo na
sa mga taong mataas ang PH level. Pwede itong inumin pagkatapos kumain. Ang
calcium carbonate ay dapat na may kasabay na pagkain para mas madaling
ma-absorb ng katawan. Mas nakapagdudulot din ng constipation o pagtitibi ang calcium
carbonate.
Summing it up
Mas mataas ang calcium content
ng carbonate sa lactate.
Mas soluble ang lactate kumpara
sa carbonate kayamas mainam ito
para sa mga mas matatandang hindi na masyadong nakapagpo-produce ng mataas
na acid sa katawan.
Mas pwedeng makapagpa-tibi ang
carbonate.
Pwede bang i-substitute
ang calcium carbonate sa calcium lactate o vice versa?
Kung may reseta galing sa doctor dapat na ito ay sundin. Pero bilang mga
OTC medicine na pwedeng mabili sa botika ng walang reseta, sumangguni sa mga
pharmacy staff o sa pharmacist sa kung anong calcium supplement ang nababagay
sa inyo.
Ang
paracetamol ay isang antipyretic o gamot sa lagnat. Ito rin ay kilala bilang
acetaminophen. Ilan sa mga popular na brand nito na pambata ay ang Anaseran,
Biogesic, Tempra, Naprex at Calpol. Kung sa pang-baby na preparation ay
available ito bilang oral drops, karaniwang suspension o syrup ang isang
paracetamol para sa mga batang edad isa hangganglabindalawa.
Anoang pagkakaiba ng syrup at suspension?
Pareho
silang liquid dosage form.
Ang
syrup ay isang liquid dosage form na kung saan ay nakahalona nang mabuti ang active ingredient sa
solvent nito. Hindi na ito kailangang i-shake.
Ang
suspension ay isang liquid preparation na hindi pantay ang distribution ng drug
particles. Karaniwang naka-settle sa ilalim ng bote ang active constituent kaya
kailangan pang i-shake ang container ng gamot bago ipainom.
Ano ang mas epektibo para sa lagnat?
Paracetamol suspension ba? O, paracetamol syrup?
Parehong
epektibo ang paracetamol syrup at paracetamol suspension. Ito ay nasa paraan ng
pagpapainom.
Tama ba ang dosis na ipinaiinom n’yo sa anak
n’yo? Tama ba sa edad? O sa bigat?
Sakto bang ipinagte-take nyo ng gamot sa
lagnat ang anak nyo ng kada apat na oras hanggang sa mawala ang lagnat niya?
I-check
ang label o kahon ng gamot. Alamin kung suspension ba ito o syrup. Kung
suspension ito, mahalagang tandaan na dapat na i-shake muna ang bote ng gamot bago
ipainom. May mga oral drops din na suspension, importanteng i-shake din ito
bago ipainom.
Pwede
ring makaapekto ang lasa ng gamot sa bisa nito. Karaniwang masarap ang mga
paracetamol suspension. Ang malalapot na syrup ay masarap din dahil sa mataas
na content ng sucrose o asukal nito. Hangga’t maari ay pumili ng lasa ng
paracetamol na kayang tanggapin ng panlasa ng batang nilalagnat. May mga batang nakakaya ang
mapait na lasa ng gamot pero kung tipong isinusuka na, balewala rin ang
pagpapainom. Dapat na mas relax o komportable ang bata para mas mabilis ang paggaling.
Ilan pang mahahalagang paaalala para sa
lagnat
Ang
lagnat ay ang pagtaas ng body temperature ng katawan na sanhi ng impeksyon,
gamot (Vaccine), pagngingipin, sipon, medication side effect etc.
Isa
itong immune response o isang senyales na nilalabanan nito ang foreign invader
ng katawan. Halimbawa ay ang mga virus, fungus o bacteria. Etong mga invaders
na ito ay nagpo-produce ng pyrogens at ang mga sangkap na ito ang nagti-trigger
sa utak natin na itaas ang temperature ng katawan para labanan ang mga pyrogen
producing na substances na ito.
Kaya
sa label o kahon ng paracetamol na karaniwang gamot sa lagnat ay mapapansin ang
indikasyon na anti-pyretic, meaning anti-pyrogens.
Paalaala
Tandaan
na ang normal na body temperature ng katawan ay 37 degrees Celsius. Masasabing
lagnat na kung naging 38 degrees Celsius ang body temperature. Para sa mga baby
na under 3 months ay mahalagang kumunsulta na kaagad sa doctor kung umabot sa
38 degrees ang temperature ng katawan.
Para
sa mga matatanda o batang mahigit tatlong buwan pataas ay dapat ikunsulta ang
lagnat sa doctor kung matapos ang isa o dalawang araw ay pabalikbalik pa rin ang
lagnat kahit umiinom na ng paracetamol.
Gamot sa kati? Sa rashes? Sa kagat ng insekto? Karaniwang
inirerekomenda ang Calmoseptine. Bakit kaya?Alamin natin.
Not an endorsement. This is just a product review of a
topical preparation, Calmoseptine ointment.
Image by the author
Ano nga ba ang Calmoseptine?
Ang Calmoseptine ay gawa ng Gordon Labs. Inc. sa USA. Ang
nag-import at nag-distribute nito ay ang Calmoseptine Phils Inc. sa Mandaue
city.
Isa itong OTC ointment preparation, available in 3.5g
sachet.
Indication as cited
on box:
A moisture barrier that prevents
and helps heal skin from diaper rash, minor burns, cuts, allergic rashes,
insect bites, perspiration, irritation, acne, prickly heat, fistula drainage ,
hemorrhoids, fungusinfection, eczema,
impetigo, incontinence and temporarily
relieves discomfort and itching.
Ano kaya ang content?
Calmoseptine contains 164.50 mg calamine and 555.70 mg zinc
oxide.
Habang ang calamine ay
gamot para sa karaniwang pangangati, ang zinc oxide ay nakakatulong sa pagprotekta
at nakapagpapagaling sa mga karaniwang sores o pagbibitak ng balat.
Paraan ng paggamit:
Linisin ang balat at ipahid ng manipis sa apektadong balat dalawang besses
hanggang apat na beses sa loob ng isang araw.
Kung hindi gumaling ang kundisyon sa loob ng pitong araw ay makabubuting
kumunsulta sa doktor.
Paglilinaw:
Dahil sa sangkap nitong zinc oxide,nagsisilbi itongskin protectant
at nakagagaling sa diaper rash, bungang-araw, sa cracked o chapped skin.
Nagbibigay ginhawa rin ito sa mga mababaw na paso.
Hindi nakagagamot sa bacterial or fungal infection ang Calmoseptine.
Ang content nitong calamine ay lumulunas sa karaniwang kati sa mga kondisyong
nabanggit sa indikasyon; katulad ng pangangati sanhi sa kagat ng lamok,
sunburn, eczema, pagpapawis. Pwedeng
lunasan ng Calmoseptine ang kating dulot ng fungal infection pero hindi nito
magagamot ang tunay na ugat.Mas
makabubuting antifungal topical cream ang gamitin.
Tandaan:
Hindi
pwedeng gamitin sa malalalim na sugat ang Calmoseptine. Posibleng magdulot pa
rin ito ng allergic reaction dahil sa mga sangkap sa ilang piling tao katulad
ng pangangati, pagkahilo, pamamaga ng dila ta mukha. Itigilang paggamit sa produkto at pumunta kaagad sa
doktor para kumunsulta.