Wednesday, July 25, 2018

Unimycin at Rexidol: Mag-asawang Gamot para sa Trangkaso


Ang mag-asawang gamot sa trangkaso ay popular na noong 70's. Ito ang tambalang Unimycin at Rexidol, parehong produkto ng Unilab or United laboratories. Habang ang Rexidol ay nasa merkado pa bilang Rexidol Forte (paracetamol + caffeine), ang Unimycin ay wala na. Huli itong napasama sa Philippine essential drug list noong taong 2007.



Philippine Essential Drug List


Ang generic or chemical name ng Rexidol noon ay paracetamol pa without the caffeine. Ang paracetamol bilang analgesic ay isang mild pain reliever. Para ito sa karaniwang sakit ng ulo, katawan, migraine, backache atbp. Isa rin itong antipyretic, kaya lunas din ito para sa lagnat.
Tetracycline ang generic name ng Unimycin. Isa itong broad spectrum antibiotic na mas ginagamit sa skin infections katulad ng acne at ginagamit din as a combination drug sa malaria.


Bakit hindi na pwedeng bilhin sa botika?

Walang problema sa paracetamol dahil ito ay isang otc medicine. 




Pero ang tetracycline bilang isang antibiotic or antibacterial ay prescription medicine at ang mga Rx medicine partikular ang mga antibiotic ay mahigpit na ipinagbabawal ng FDA na ipagbili ng walang reseta ng doctor. 



Pamalit sa mag-asawang gamot

May mga otc meds na pwedeng bilhin base sa mga symptoms ng trangkaso:

  • Para sa lagnat (paracetamol) 1 tab kada 4 na oras, kung wala na ang lagnat; itigil na ang pag-inom nito.
  • Para sa sakit ng katawan (low dose ibuprofen, mefenamic, combination ng paracetamol at ibuprofen) 1 tab 3 beses maghapon, kung hindi na masakit ang katawan; itigil na ito.
  • Para sa sipon (commercial decongestant or antihistamines) pa-advice sa pharmacist or read the label for the instructions.*May mga cold remedies na nakaka-trigger ng asthma.
  • Para sa ubo (commercial cough formulas) pa-advice sa pharmacist or read the label for the instructions. *May mga cough remedies din na nakaka-trigger ng asthma.
  • Para sa pananakit ng lalamunan (lozenges) pa-advice sa pharmacist or read the label for the instructions.

Pwedeng mag-take ng vitamins particular ‘yung may  vitamin C at zinc, palalakasin nito ang immune system. Ang mga prutas katulad ng mansanas, papaya at saging ay makakapagpalakas din ng resistensya. 

Hindi ginagamot ng antibiotics ang flu or trangkaso dahil ito po ay sanhi ng virus. 

Ito ay kusang gumagaling pero para may mga taong mahina ang resistensya o katawan. Posibleng lumala ang kumplikasyon para sa kanila. Kaya dapat na magpa-check up na lang sa doctor kung nahirapan na sa sakit.

Finally

Naiitambal din sa amoxicillin ang paracetamol bilang mag-asawang gamot. Mabuti na lang naghigpit na talaga ang FDA sa isyung ito. Para sa inyong kalusugan, mas makabubuting itanim sa isipan na ang antibiotic ay hindi laging solusyon sa karamdaman.

Stay healthy and stay safe!




No comments:

Post a Comment